MGA NAPAPANAHONGISYUSA BANSA.

Mga napapanahong isyu na mainit na pinaguusapan sa ating bansa. Ang isyu sa halalan 2016 kung sino na nga ba ang mga tatakbo at mga taong tila nagpupumilit pang tumakbo. Ang pagpapalit ng kurikulum ng edukasyon na ginawang k12 na tila marami ang hindi sumang-ayon. Makakabuti nga ba ito sa mamamayan at sa bansa? At higit sa lahat ang korupsyon. Bakit sa dinami-daming umupo sa pwesto ay hindi nawawala ang usaping ito.
HALALAN 2016
Halalan 2016. Napakaraming tumakbo bilang pangulo, isa na kaya sa kanila ang susi sa ating muling pag-bangon? Magiging malinis at matiwasay kaya ang pag-boto? Sino nga ba dapat ang ihalal? Ilan lamang iyan sa mga tanong na pumapasok sa ating mga isipan kapag ang pinag-uusapan ay halalan. Sino nga ba ang dapat iboto? Vice Presidenr Jejomar Binay at Senador Grace Poe mga siguradong kandidato para sa pagkapangulo. Kung ating sisiyasatin si Binay, maraming hinarap na kaso sa usaping pera at mga ari-arian na sinasabing nakaw galing sa bayan. Pero narito siya tatakbo pa sa mas mataas na posisyon. Sa tingin niyo karapat-dapat bang umupo at iboto ang ganitong klaseng tao? Si Senador Grace Poe, alam nating lahat na mayroon siyang malinis na intensiyon , ngunit may ilang nagsasabi na kulang siya sa karanasan. Dalawa pa lamang iyan sa napakaraming kandidato na tatakbo ngayong halalan. Kaya dapat natin itong pag-isipang mabuti. Nasa ating mga kamay ang mangyayari sa bansa.
K-12 PROGRAM

K12 program na ipinatupad ni P-noy, makakabuti nga ba sa ating mga mamamayan at sa bansa? Ang isang malaking pagbabago sa departamento ng edukasyon ang kaniyang isinulong. Oo, napakaraming tao ang hindi sang-ayon sa k12 dahil hindi pa nila lubusang maintindihan ang pwedeng maidulot nito. Pero ayon sa aking nalaman, ang bansa na lang natin ang kaisa isang bansa sa Asya ang kulang ng bilang ng taon sa pag-aaral. Kung lalaliman natin ang tingin sa k-12 pwedeng may magandang idulot ito at pwede din namang wala dahil magsisimula pa lamang ito. Siguradong malaki ang tulong nito sa atin lalo na pag-dating ng panahon. Kaya naman atin muna itong subukan bago natin husgahan. Dahil para din naman ito sa
ating ikauunlad.
KORUPSYON
Ang korupsyon, tulad ng traffic hindi ito mawala-wala at hindi natin maiwasan. Sino ba talaga ang totoong may kasalanan? Tayong mga pilipino lalo na ang mga nasa tamang edad na para bumoto ang may kasalanan kung bakit mayroong korrupt sa mga namamahala. Dahil sa ating hindi pag-boto ng tama, dahil sa tukso ay hindi natin naiihalal ang tamang kandidato. Minsan tayo pa ang nagagalit kung bakit mayroong mga korrupt. Tayong mga tao ang dahilan. Maiiwasan ang korupsyon kung tayo ay boboto ng tama at sigurado. Dahil papalapit nanaman ang eleksyon dito muli tayo masusubok kung saan natin ibibigay ang iba't ibang posisyon sa gobyerno. Pagboto ng tama ang solusyon sa mga korrupt na namamahala sa bayan.
Mga iba't ibang isyu na kinaharap at patuloy na kinakaharap ng ating bansa. Napakaraming solusiyon sa mga isyu katulad ng mga ito. Mga solusiyon na hindi lang dapat pasalita kundi dapat iaksiyon para sa magandang pamumuhay sa ating bansa. Pagboto ng sigurado at malinis, Pagsang-ayon sa K12 kurikulum, at ating pag-iwas sa korupsyon.



tama! sa atin mismo magsisimula ang pagbabago
TumugonBurahin